Introduction
WELCOME TO MODULE 3!
Sa module na ito pag-uusapan natin ang iba’t ibang epekto ng Sigarilyo, Alak, at Droga (S.A.D.). Pag-uusapan din sa module na ito kung bakit gumagamit ng S.A.D. ang ibang tao bilang pagtugon sa stress.
Bago tayo magsimula, subukan muna natin mag Emotion Check-in! Ano ang emosyon na nararamdaman mo ngayon at saan mo ito nararamdaman sa iyong katawan (ex., Ako ay masaya at nararamdaman ko ito sa aking pisngi)? Sagutin ito sa Mentimeter.
Bago natin panoorin ang susunod na video, sagutin muna ang tanong na ito. Sa tingin mo, anu-ano kaya ang dahilan kung bakit gumagamit ng S.A.D. ang mga tao? Ilagay ang inyong naiisip sa pamamagitan ng pag-click ng “+” button sa padlet at click “Publish” pagkatapos ninyo masulat ang inyong saloobin.