Introduction
Welcome to Module 5!
Maraming masamang epekto ang paggamit ng S.A.D. sa isang tao kaya talagang mahalagang iwasan ito. Pero paano kung nalagay ka sa isang sitwasyon na extra challenging ang pag-iwas at pagtanggi sa mga udyok o triggers? Sa module na ito pag-uusapan natin ang iba’t ibang paraan at techniques para tumanggi sa mga mahihirap na sitwasyon.
Bago panoorin ang susunod na video, sagutin muna ang tanong na ito. Kapag niyaya kang sumali o subukan ang isang bagay na masama o kahinahinala, paano ka tumatanggi? Sagutan ang tanong na ito sa Mentimeter.