Paano ba maging Maginhawa? Part 2
Iba’t iba ang maaaring kahulugan ng pagiging maginhawa. Sa huling episode ng Mind S-Cool Season 5, ipinakilala sa atin na mayroon din palang 10 (sampung) aspeto ng kaginhawaan na maaaring mayroong iba’t ibang antas ng kaginhawaan. Sa ating pagtatapos, mahalagang tandan na hindi kailangan maging maghinawa sa lahat ng aspeto upang matawag ang sarili na tunay na maginhawa. Minsan, kahit isang aspeto lang ang maging mas maginhawa, nakakatulong na ito sa buhay ng isang tao.
Sa natitirang bahagi ng episode, matutunghayan natin ang isang gameshow kung saan magsisilbi rin itong review tungkol sa mga napag-usapan natin sa programang ito. Sa huling pagkakataon, panoorin natin ang video na ito.