May tatlong minuto ka ba? Magpahinga ka muna. 😌
I-relax ang iyong katawan at isipan ng ilang minuto sa guided mindful breathing exercise na ito. Wala tayong ibag bibigyang pansin sa loob ng tatlong minuto na ito kundi ang ating paghinga — sa natural na ritmo at daloy nito, at ang pakiramdam nito sa bawat inhale at exhale. 🧘♂️
Ang mindful breathing ay partikular na nakakatulong dahil nagsisilbi itong isang anchor – isang bagay na maaari mong ibaling ang iyong atensyon sa anumang oras kung nagsimula kang makaramdam ng pagkabalisa o ng mga negatibong damdamin.
I-share na ito sa ibang may kailangan pa! Pwede ring i-save lamang ang video na ito at balikan kung kakailanganing muli.
Tara, #CareforYourselfCareforOthers para sa isang #HealthyPilipinas!